Sinasagot ng Diyos ang mga panalangin
At pinatalsik ni Absalom ang kanyang amang hari na si David, at sinubukang patayin ito. Siya ay gumala sa mga hindi maaayos ang kondisyon at magulong lugar ng hindi alam ang gagawin. Sa panahon ng pagdurusa si David ay nagdadalamhati na nananalangin sa Diyos. Inulat ng banal na kasulatan,
“At umahon si David sa ahunan sa bundok ng mga Olibo, at umiiyak habang siya'y umaahon; at ang kaniyang ulo ay may takip, at lumalakad siya na walang suot ang paa; at ang buong bayan na kasama niya ay may takip ang ulo ng bawa't isa, at sila'y nagsisiahon, na nagsisiiyak habang sila'y nagsisiahon.”(2 Samuel 15:30)
ARAL:
Ang mga anak ng Diyos ay dapat lumingon sa kanya sa pamamagitan ng panalangin tuwing nasa mahihirap na sitwasyon. Ang mundo ay binubo ng parehong positibo at negatibong mga pangyayari, samakatuwid, Dapat manalangin ang mga Kristiyano upang mapagtagumpayan lahat ng ito. Dahil mahal ng Diyos ang kaniyang mga tao, ay tutuparin niya ang kanilang mga panalangin. Hindi niya pababayaan ang mga naniniwala sa kanya sa panahon ng krisis. Ang Diyos ay tiyak na tutugon sa mga hinain ng kanyang mga anak, at liliwanag ang kanilang mukha sa kabila ng anumang paghihirap na maaring dumating sa kanila.
PANALANGIN:
Mahal kong Diyos, turuan mo akong manalangin sa iyo at humingi ng tulong sa oras ng kahirapan. Nawa’y pakinggan ang aking mga ipinagdarasal. Sagutin ang aking mga panalangin at tuparin ang bawat kahilingan ng aking puso. Hayaan akong mabuhay ng may kagalakan, kapayapaan, at kasaganaan sa araw-araw. Sa ngalan ni Hesukristo aking hinihiling. Amen.
